DIREKTIBA NI PBMM NA KARAGDAGANG TULONG SA MGA MAGSASAKA MULA SA MGA SOBRANG NAKOLEKTANG RCEF, PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ
Pinuri ngayong Martes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang utos sa mga opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura, na gamitin ang sobrang nakolekta na mga taripa sa bigas, upang matulungan ang mga magsasaka.
“This gesture manifests the unwavering resolve of President Marcos, Jr. to boost agricultural production, particularly of rice, to ensure a stable supply of food for every Filipino family at affordable prices and uplift the lives of our farmers,” ayon kay Romualdez, pinuno ng mahigit na 300-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Sa napaunang ulat, iniutos ni Marcos sa mga opisyal ng DA na gamitin ang sobrang koleksyon sa RCEF na lampas sa P10-bilyon, na rekisitos para sa karagdagang tulong sa mga magsasaka, tulad ng pagpapatuyo, pagmemekanismo, at iba pang mga suportang kagamitan upang mapalago ang kanilang mga ani.
Iminamandato ng Republic Act 11203, o ang Rice Tariffication Law (RTL), na ang makokolektang buwis mula sa taripa ng bigas ay ibabayad sa taunang rekisitos na P10-bilyon para sa RCEF, upang mapondohan ang mga programa at proyekto, at magsusulong pagpapalago at kakayahang makakumpitensya ng mga magsasaka ng palay.
“The excess collections from rice tariffs channeled into supporting our rice farmers will enable them to access modern farming technologies, improve their agricultural practices, and ultimately increase their productivity,” ani Romualdez.
“Moreover, this initiative will foster resilience within our agricultural sector, ensuring that we continue to meet our domestic rice requirements and reduce our dependency on rice imports,” dagdag niya.
Matatandaan na sa isinagawang pagbisita sa mga proyektong pang-irigasyon sa San Rafael, Bulacan noong nakaraang buwan, ipinahayag ni Romualdez na tinalakay sa kanya ni Pangulong Marcos, Jr. sa isang hapunan ang ideya ng paggamit ng mga nakolektang sobrang RCEF bilang karagdagang tulong sa mga magsasaka ng palay.
Sa pamamagitan ng karagdagang tulong, sinabi ni Romualdez na nais ni Pangulong Marcos na matulungan ang mga magsasaka na mabawasan ang kanilang gastusin sa produksyon, na kalaunan ay magpapababa sa halaga ng bigas para sa mga konsyumer.
Bilang pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan, nangako si Romualdez na magbabahagi ang Kongreso ng P40-bilyon na karagdagang pondo para sa mga proyektong pang-irigasyon sa ilalim ng 2024 pambansang badyet, upang suportahan ang layunin ng Pangulo na mapalago ang produksyon ng produktong agrikultura sa bansa.
Ang paggamit sa sobrang koleksyon sa RCEF ang pinakahuli sa mga serye ng mga inisyatiba ni Pangulong Marcos para mapaunlad ang mga sakahan ng mga magsasaka at maibaba ang halaga ng pagkain.
Upang mapaunlad ang kita ng mga magsasaka, ay itinaas ng National Food Authority (NFA) Council—na pinamumunuan ni Pangulog Marcos---ang halaga sa pagbili ng palay ng NFA mula sa P19 hanggang P23 kada kilo para sa tuyo, at mula P16 hanggang P19 kada kilo para sa basa.
Kamakailan rin ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pagpapalabas ng P12.7-bilyon para sa 2.3 milyong maliliit na magsasaka, na makakatanggap ng P5,000 bawat isa bilang pinansyal na tulong sa ilalim ng programang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ng pamahalaan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home