Friday, October 06, 2023

Ibinahagi ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang proposed amendments na kanyang naisumite sa binuong small committee ng Kamara para sa 2024 proposed national budget.


Ayon kay Garin, kritikal ang pangangailangan na i-redirect ang confidential at intelligence funds sa mga programang may kinalaman sa anti-smuggling gayundin sa aktibidad ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na poprotekta sa West Philippine Sea at fishing grounds.


Partikular na binanggit ni Garin ang mga ahensyang humirit ng confidential funds tulad ng Department of Information and Communications Technology, Department of Transportation, Office for Transportation Security at Office of the Solicitor General.


Ibinunyag din ni Garin na lumobo sa dalawampu't walong ahensya ng gobyerno ang humiling ng confidential funds para sa 2024 mula sa labing-anim lamang noong taong 2012.


Noong 2016 ay umabot umano sa 720 million pesos ang confidential fund habang umakyat ito sa 2.07 billion pesos para sa 2017 at 4.57 billion pesos pagsapit ng 2020.


Iginiit naman ng kongresista na hindi dapat abusuhin ng mga ahensya ng pamahalaan ang pag-request ng confidential funds lalo't mas marami pa ang higit na nangangailangan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home