Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na nasa P9-Billion na pondo ang kakailanganin para sa pag develop sa mga isla na sakop ng Kalayaan Group of Islands (KIG) kabilang dito ang Pagasa Island sa West Phl Sea.
Sa panayam kay Brawner kaniyang sinabi na marami pa ang kakailanganin na mga facilities na itayo sa mga teritoryo ng Pilipinas ng sa gayon magiging kaaya- aya itong tirhan ng ating mga kababayan at maging ng mga sundalo na naka station sa lugar.
Kaya hiling nila sa Kongreso na dagdagan ang pondo para dito.
Umaasa naman si Brawner na mapasama na sa kanilang 2024 budget ang dagdag na pondo para sa improvement ng Kalayaan Group of Islands.
Target kasi ng militar na i-extend ang pantalan sa Pagasa Island nang sa gayon makadaong din ang mga mangingisda sa tuwing masama ang panahon.
Magkaroon ng matatag na power supply at potable water na maiinom ng mga residente.
Binigyang-diin ng chief of staff na ang Pagasa Islands ay nagrerepresenta sa sovereign rights ng Pilipinas kaya dapat itong ma-develop pa.
Inihayag din ni Brawner na ang "name of the game" sa West Phl Sea ay kailangan ng malakas na presensiya ibig sabihin kung sino ang nanduon ay siyang may kontrol sa nasabing area.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home