Friday, October 06, 2023

Nanindigan si House Speaker Martin Romualdez na tumalima ang Kamara sa legislative processes nang ipanukala at ipasa ang Maharlika Investment Fund Act of 2023.


Tugon ito ni Romualdez matapos maghain ng petisyon ang isang grupo sa pangunguna ni Senador Koko Pimentel sa Korte Suprema upang ideklarang unconstitutional ang Republic Act Number 11954.


Binigyang-diin nito na sa paglikha ng sovereign fund ay isinaalang-alang ang interes ng mga Pilipino kasabay ng pagtitiyak na ang layunin nito ay magkaroon ng mekanismo para sa matatag na pananalapi at paglago ng ekonomiya.


Nagbigay ng commitment ang House Speaker na igagalang ang "rule of law" at magsusumite ng komento sa petisyon sa loob ng sampung araw.


Komprehensibo aniyang sasagutin ang pangamba ng mga petitioner lalo't mahalagang mabatid ng publiko na ang intensyon sa naturang batas ay masiguro ang transparency, accountability at financial prudence sa pangangasiwa sa kaban ng bayan.


Dagdag pa ni Romualdez, ire-review nila ang nilalaman ng petisyon para mapanatili ang integridad ng MIF bagama't bukas ang Kongreso sa anumang constructive dialogue na magpapaangat sa buhay ng mga Pilipino. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home