Thursday, October 12, 2023

Speaker Romualdez nakiramay nangako ng tulong sa pamilya ng 2 Pinoy na nasawi sa Israel, 



Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya na naulila sa pagpanaw ng dalawang Pilipino sa kaguluhan sa Israel at nangako ng tulong sa mga ito.


Nauna ng kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang 42-anyos na lalaki mula sa Pampanga na dinukot ng Hamas militant, at isang 33-anyos na babae mula sa Pangasinan na nasawi kasama ang kanyang amo ng atakehin ng Hamas ang Gaza strip.


“These tragic events remind us of the dangers our fellow Filipinos face even as they seek opportunities abroad. Our thoughts and prayers are with the families of the victims during this difficult time,” ani Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na magbibigay sila ng personal na tulong ni Tingog partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez ng P1 milyon sa pamilya ng mga nasawi mula sa kanilang personal na pera.


Nangako rin ang lider ng Kamara na maghahanap ng oportunidad na pagkakitaan at scholarship para sa naiwang pamilya ng mga nasawi.


“I am deeply saddened by the loss of our countrymen. In these trying times, it's crucial for us as a nation to come together and support one another. The donation is just a small token of our shared grief and our commitment to help," saad pa ni Speaker Romualdez.


Nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng mga Pilipino na magsama-sama sa pananalangin at suportahan ang iba pang naapektuhan ng kaguluhan sa Israel.


Kumpiyansa ang lider ng Mababang Kapulungan na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang masigurong ligtas ang mga Pilipino na nasa Israel.


Nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakikipag-ugnayan ito sa gobyerno ng Israel upang matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino community sa kanilang bansa.


Kung kakailangan, sinabi ng Pangulo na magsasagawa ng repatriation sa mga apektadong Pilipino. (END)




Speaker Romualdez nakiramay nangako ng tulong sa pamilya ng 2 Pinoy na nasawi sa Israel, 



Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya na naulila sa pagpanaw ng dalawang Pilipino sa kaguluhan sa Israel at nangako ng tulong sa mga ito.


Nauna ng kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang 42-anyos na lalaki mula sa Pampanga na dinukot ng Hamas militant, at isang 33-anyos na babae mula sa Pangasinan na nasawi kasama ang kanyang amo ng atakehin ng Hamas ang Gaza strip.


“These tragic events remind us of the dangers our fellow Filipinos face even as they seek opportunities abroad. Our thoughts and prayers are with the families of the victims during this difficult time,” ani Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na magbibigay ito at ang Tingog party-list ng P1 milyong tulong sa pamilya ng mga nasawi mula sa kanilang personal na pera.


Nangako rin ang lider ng Kamara na maghahanap ng oportunidad na pagkakitaan at scholarship para sa naiwang pamilya ng mga nasawi.


“I am deeply saddened by the loss of our countrymen. In these trying times, it's crucial for us as a nation to come together and support one another. The donation is just a small token of our shared grief and our commitment to help," saad pa ni Speaker Romualdez.


Nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng mga Pilipino na magsama-sama sa pananalangin at suportahan ang iba pang naapektuhan ng kaguluhan sa Israel.


Kumpiyansa ang lider ng Mababang Kapulungan na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang masigurong ligtas ang mga Pilipino na nasa Israel.


Nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakikipag-ugnayan ito sa gobyerno ng Israel upang matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino community sa kanilang bansa.


Kung kakailangan, sinabi ng Pangulo na magsasagawa ng repatriation sa mga apektadong Pilipino. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home