Hinimok ni Senior Citizens PL Rep. Rodolfo Ordanes ang Department of Labor and Employment, National Wages and Productivity Commission, Department of the Interior and Local Government ,National Privacy Commission, at Liga ng mga Barangay na aprubahan na ang joint memorandum para sa mas mahusay at mahigpit na implementasyon ng Republic Act (RA) 10361 o Domestic Workers Act
Layunin ng naturang memorandum na baguhin ang depinisyon ng terminong ‘yaya’ sa Implementing Rules at Regulation o IRR ng naturang batas
Kung saan magkakaroon na ng pagkakaiba ang para sa bata at yaya para sa nakatatanda o seniors
Oras na maaprubahan kailangan bubuo na rin ng bagong registration system ang mga local government units para sa maayos na monitoring, pagkakaroon ng buwanang payslip , benepisyo at contribution payments ng mga ito
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home