‘STORM SHELTER’ AT SOLAR POWER PLANT, POPONDOHAN NG KAPULUNGAN AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ
Ipinahayag ngayong araw ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyan ng alokasyon ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pagtatayo ng mahahalagang imprastraktura sa Isla ng Pag-asa, na kinabibilangan ng shelters para sa mga mangingisda, isang solar power plant, at pasilidad para sa malamig na imbakan ng yelo, at iba pa.
Sa isang pulong balitaan, matapos ang pagbisita sa Isla ng Pag-asa, sinabi ni Speaker Romualdez na kasama niya ang ilang mambabatas, at kanilang personal na natunghayan ang mga hamong kinakaharap ng mga mamamayan sa isla at mga kawal na nagbabantay sa outpost ng basa sa West Philippine Sea.
“It’s clear that Pag-asa Island needs a development plan. The House of Representatives will take the lead in coming up with such plan, being the institution responsible for the national budget and national policies that need legislation,” ayon kay Speaker Romualdez.
Isang prayoridad, sinabi niya na kailangang magtayo ng storm shelter para sa mga mangingisda, kung saan ay maaari silang sumilong sakaling may bagyo, o kaya ay makaranas sila ng pagkasira ng kanilang mga sasakyang pandagat sa laot.
“We will also help build a solar energy plant; ice and cold storage facilities; a desalination plant; satellite-based communication facilities; and conduct seafood-based livelihood training,” giit niya.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mag proyektong ito ay naglalayong matugunan ang mga kakaibang pagsubok na kinakaharap ng mga kawal na Pilipino at mga mangingisdang pumapalaot sa pinagtatalunang karagatan ng Spratly Islands.
Ayon sa Speaker, sa pamamagitan ng mga proyektong ito, umaasa siya na ang mga mangingisdang Pilipino ay hindi gaanong mangangamba sa pagsasagawa ng kanilang mga pang-araw araw na Gawain sa Spratlys, na kilala rin bilang Kalayaan Group of Islands.
Idinagdag ni Speaker na ang pagbibigay ng suporta sa mga lokal na kawal sa lugar ay lubos na mahalaga, sa paninindigan ng pamahalaan ng Pilipinas na ipaglaban ang karapatan at kasarinlan sa mga sakop na karagatan.
“We toured the island and had lengthy conversations with our brave soldiers and kababayans in the community. This allowed us to get a first-hand account of what’s really happening on ground and what needs to be done by Congress to address local issues,” paliwanag ng pinuno ng Kapulungan.
Bago umalis patungong Puerto Princesa upang magbigay pugay sa namayapang dating Mayor at Congressman Edward Hagedorn, ay namahagi si Speaker ng mga solar lamps na may AM/FM radios sa mga kawal at lokal na mamamayan ng Pag-asa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home