Friday, October 06, 2023

Naniniwala si House Ways and Means Committee Chairman at Albay Second District Representative Joey Salceda na huhupa rin ngayong buwan ang naitalang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.


Tugon ito ni Salceda matapos lumobo sa 6.1 percent ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre mula sa 5.3 percent noong Agosto.


Sinabi ni Salceda na kung tutuusin ay mas mababa ito sa naunang pagtaya na 6.2 percent na kanyang ibinahagi sa fund managers gamit ang "modelling" noong dekada 90.


Bukod sa ipinatupad ni Pangulong Bongbong Marcos na price ceiling sa bigas ay bumulusok umano ang global oil prices sa katapusan ng Setyembre kaya inaasahang bababa ang inflation rate sa Oktubre.


Kadalasan aniyang kinokolekta ng Philippine Statistics Authority ang datos sa unang limang araw ng buwan at sa ikalabinlima hanggang ikalabimpito kaya hindi na nasakop ang pagbagsak ng presyo nitong September 27.


Paliwanag pa ng economist solon, posibleng ito na ang pinakamalalang inflation rate para sa kabuuang "ber months" at magsisimula nang bumuti ang kondisyon.


Bagama't tumaas ng 17.9 percent year-on-year ang presyo ng bigas noong Setyembre, lubha umanong bumagsak ang world prices bago matapos ang naturang buwan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home