Gobyerno kumpiyansa na mananatiling masigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng global slowdown…
…
Mananatiling masigla ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga hakbang na inilatag ng Marcos Jr. administration para makahikayat ng mga dayuhang negosyante sa bansa.
Ito ang mensahe ni House Speaker Martin Romualdez sa pagsasalita sa forum ng Legislative Reforms for the Philippine Capital Market ng Philippine Stock Exchange.
Sa kabila ng global slowdown, sinabi ni Romualdez, kahit binawasan umano ng World Bank ang inaasahang paglago ng GDP ng bansa, ang projection na 5.6 percent ay nananatiling kapuri-puri.
Sa forecast ng World Bank sa 2025, ang average na paglago ng GDP ng bansa ay 5.7 percent na palalakasin ng pagtaas ng domestic demand at pagbaba ng inflation.
Inamin ni Romualdez, nananatiling hamon sa inaasahang paglago ng ekonomiya ang bilis ng pagtaas ng bilihin, na ayon sa World Bank ay mag-a-average na 5.9% ngayong taon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home