Friday, October 06, 2023

PBBM, SINAMAHAN NI SPEAKER ROMUALDEZ SA PAGLULUKSA SA TRAHEDYA SA BAJO DE MASINLOC


Sinuportahan ngayong Miyerkules ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bilang pakikiisa kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa pagpapahayag ng pagluluksa ng bansa, sa nangyaring trahedya malapit sa Bajo de Masinloc, na kumitil ng tatlong buhay ng mga mangingisdang Pilipino noong Lunes.


“President Ferdinand Marcos Jr. has rightly and deeply expressed the nation's collective sorrow over the tragic incident near Bajo de Masinloc, where we lost three of our countrymen, including the vessel's captain. These fishermen represent the heart of our nation, braving the seas daily to provide for their families. Their sudden loss has left a void that reverberates across our country,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng mahigit na 300-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Kinilala ni Speaker Romualdez ang mabilis na tugon ng pamahalaan, at sinabing tinitiyak ng Pangulo na sisiyasatin ng Philippine Coast Guard ang mga kaganapan, upang malaman ang tunay na pangyayari, at “rigorously backtracking and scrutinizing all vessels that were in the vicinity at the time.”


Nagpahayag ng buong suporta si Speaker Romualdez sa Pangulo, at nanawagan ng hinahon at pang-unawa sa lahat sa panahong ito..


“While the President has taken the lead in these challenging times, as Speaker of the House, I stand firmly behind him, echoing the call for patience and understanding. It is paramount that we, as a nation, trust our institutions and refrain from speculating, ensuring the investigation proceeds without hindrance,” ani Speaker.


Sa pagkilala sa lubos na pangangailangan ng mga nagluluksang pamilya, nanawagan si Speaker Romualdez sa mga ahensya ng pamahalaan na kagyat na umaksyon. 


"To assist the bereaved families during their time of grief, we advise all government agencies concerned to reach out to them immediately and extend financial support, counseling services, and legal assistance. We, in the government, are committed to ensuring that they are not left to face this tragic loss alone,” aniya.


Tinapos ng pinuno ng Kapulungan ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa parehong pagkakaisa at pandaigdigang kooperasyon sa pagmamantine ng kaligtasan sa karagatan, matapos ang trahedya.


“In these trying times, it is essential that we come together as a nation to support one another, especially the families affected. We urge all parties and nations with interests in the area to work cooperatively, uphold maritime laws and international principles, and prioritize the safety and welfare of all individuals at sea,” giit ni Speaker. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home