Friday, November 10, 2023

DELIBERASYON NG KOMITE SA BALANGKAS NG PANUKALANG COFFEE INDUSTRY DEV'T, SINUSPINDE

 

Sinuspindi ngayong Lunes ng Komite ng Agrikultura sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Enverga ang konsiderasyon sa balangaks ng substitute bill, na naglalayong magtatag ng pambansang programa para sa pagpapaunlad at pagsusulong ng Philippine Coffee Industry. Sa isang pagpupulong na pinangunahan ni Quezon Rep. Keith Micah "Atty Mike" Tan, nagmosyon si Kabayan Rep. Ron Salo na ipagpaliban ang konsiderasyon ng substitute bill na binalangkas ng DA at DTI, habang hinihintay ang pagsusumite ng ilang mga kinakailangan ng mga dalubhasa. Ilan sa mga napakahalagang katangian ng balangkas ng substitute bill ay ang 1) paglikha ng Philippine Coffee Council (PCC) para sa isang nakatuon at maayos na pagpapatupad ng Philippine Coffee Industry Roadmap; 2) paglikha ng Philippine Coffee Industry Development Program; 3) pagtatatag ng Coffee Centers of Excellence; 4) mga kapangyarihan at mga tungkulin ng PCC, 5) paglikha ng Coffee Program Management Office at mga tungkulin nito;  6) Regional Coffee Councils; 7) pagsusuri sa roadmap; at 8) P50 milyong alokasyon mula sa Special Activities Fund ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nagtanong ang mga miyembro ng Komite tungkol sa ilang mga probisyon ng substitute bill, habang ang iba ay hiniling ang pagsusumite ng roadmap para sa pag-unlad ng industriya ng kape. Ayon kay Negros Occidental Rep. Alfredo Marañon III, bagama't suportado ng mga miyembro ng Komite ang panukala, dapat lamang na mabigyan sila ng pagkakataong makita ang roadmap para sa industriya ng kape na nabanggit ni Bureau of Plant Industry Project Development Officer IV Atty. Joycel Panlilio, habang nasa pagdinig. “Perhaps we could see the roadmap. We want to be clarified what are the plans for the coffee industry and the direction it is taking. We want also to know where would the P2 billion, which is being proposed five years after the initial implementation of the law, would go,” aniya. Dagdag pa rito, nais malaman ni Siquijor Rep. Zaldy Villa kung ang P2 bilyon ay ipapahiram sa mga magsasaka ng kape at kung sino ang maglalabas ng pera. Kinuwestiyon naman ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma ang pangangailangang lumikha ng isa pang konseho, ang Philippine Coffee Council (PCC), na magiging isa pang patong sa burukrasya. “Di ba existing na kayo, the Philippine Council for Agriculture and Fisheries? Why the need to create another council, perhaps (you) just expand the high value crops coverage,” aniya. Habang nagpapakita ng suporta sa pagpapaunlad ng industriya ng kape, nagpahayag ng pagdududa si Mindoro Rep. Arnan Panaligan na ibibigay ng ehekutibo ang panukalang badyet para sa pagpapatupad ng batas. "Based on our experience, we passed a lot of laws – the Agriculture and Fisheries Modernization Act, the Organic Agriculture Act, and others. We put appropriations there, but in the end, it was the executive department that was being followed. Ang masusunod kung magkano ang ibibigay nila,” aniya. Muling binalikan ni Rep. Tan ang naunang deliberasyon sa mga House Bills HBs 1796 at 3552, na parehong naghahangad na lumikha ng isang pambansang programa para sa industriya ng kape at maglaan ng pondo para dito, nagpahayag ng kanilang buong suporta sa panukala ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture High Value Crops Development Program, Bureau of Plant Industry (BPI), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development, Philippine Council for Agriculture and Fisheries, and the Philippine Coffee Alliance  upang maitugma ang mga pagsisikap ng pamahalaan at mga inisyatiba ng pribadong sektor na mapabilis ang pag-unlad ng industriya ng kape. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home