Tuesday, November 07, 2023

HINDI TINATANGGAP NA MGA GUARANTEE LETTER PARA SA MAHIHIRAP NA PASYENTE, KINUWESTIYON SA KAMARA

Kinuwestiyon ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang napabalitang hindi pagtanggap ng ilang mga pribadong doktor ng “guarantee letters” o GLs para sa mga mahihirap na pasyente. 


Ang GL ay ibinibigay ng Department of Health o DOH sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients o MA-IP program, at magagamit na pambayad sa ospital. 


Sa isang pahayag, sinabi ni Villafuerte na kailangang resolbahin ng DOH ang isyu lalo’t kailangan ng tulong ng maraming pasyente sa pagbabayad ng kanilang mga hospital bill. 


Batay sa natanggap niyang sumbong, ang mga doktor na umaayaw sa mga GL ay silang mga nangingigil ng P100,000 o lagpas na “professional fee” para sa bawat serbisyo. 


Kabilang sa mga rason, ani Villafuerte, ay ayaw ng mga doktor na ito na makakuha lamang ng kalahati ng kanilang professional fees, o mayroon kasing umaabot ng 2-buwan o higit bago ma-encash ang GLs. Mayroon din na umiiwas umano sa pagbabayad ng buwis. 


Sinabi ni Villafuerte na nakausap na niya si Health Sec. Teodoro Herbosa ukol sa problema, at nangakong maglalabas ng utos na magbabawal sa maling kalakaran ukol sa GL. 


Maaari rin umanong alisan ng DOH accreditation ang mga pribadong doktor na ayaw tumanggap ng GL para hindi na makapanggamot sa mga ospital ng gobyerno. 


Sa ilalim ng panukalang 2024 National Budget, may nakalaang P22 billion para sa MAIP. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home