Monday, November 06, 2023

Speaker Romualdez nagsalita na at dinepensa ang Kamara laban sa mga pagbabanta sa institusyon…


… 


Nagsalita na si House Speaker Martin Romualdez laban sa mga banta at pananakot sa liderato ng Kamara kasabay ang pahayag na “walang personalan, trabaho lang”.


Ito ang pahayag ni Romualdez sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara kung saan 227  Congressmen ang dumadalo sa sesyon.


Binigyang diin ni Romualdez, tatayo ang liderato ng Kamara laban sa sinuman na mananakot para masunod lamang ang gusto nila.


Iginiit ni Romualdez, hindi nila papayagan ang sinuman na pigilan sila sa pagganap ng kanilang mandato sa mamamayan.


Narito ang bahagi ng pahayag ni House Speaker Martin Romualdez…


Vc:


Matapos ang talumpati ni Romualdez, nagsulong ng resolusyon para i-convene ang Kamara bilang Committee of the Whole.


Sa plenaryo, binasa ng ilang mambabatas ang mga resolusyon ng ibat-ibang “manifestation of support”  sa liderato ni Romualdez kasabay ang pag-alma laban sa sinumang  nagbabanta sa institusyon.


Tumayo sa plenaryo si House Minority Leader Edcel Lagman at pinatutukoy kung sino ba ang nagbanta sa Kamara.


Ito ay sa harap ng desisyon ng Kongreso na alisin ang confidential and intelligence funds ng ilang ahensiya ng gobyerno para ilipat sa mga security agency lalo na sa proteksiyon sa West Philippine Sea.


Tumayo si House Senior Deputy Speake Aurelio Gonzales at sinabi sa plenaryo ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home