Tuesday, November 21, 2023

KALAGAYAN NG SEKTOR NG AGRI, KASAPATAN SA PAGKAIN NG BANSA, IPINAALAM SA KAMARA

Nagpulong kahapon (ngayong Lunes) ang Ctte on Agri and Food sa Kamara, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, upang makinig sa oryentasyon ng Dept of Agri (DA), sa lagay ng kasapatan ng bansa sa bigas, mais, hayop sa bukid, manok, mga gulay, at iba pang pangunahing bilihin. 


Sa ngalan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, tiniyak ni Rep. Enverga sa DA, sa pangunguna ng bagong hirang na Kalihim, Francisco Tiu Laurel Jr., ang buong suporta ng Kapulungan. 


Ibinahagi ni Secretary Laurel na ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay mapataas ang produktibidad ng sektor, at binibigyang-diin pa nito na ito marahil ang maging layunin ng kagawaran, sa hindi matatawarang tulong ng mga mambabatas.


Iniulat ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na tumaas ng 0.22 porsiyento ang produksyon ng bigas ngayong 2023 kumpara sa nakaraang taon.  


Binanggit niya na hanggang ika-14 ng Nobyembre 2023, may labis na suplay na 2.98 milyon metriko tonelada, ang bansa, na tatagal ng 80 araw. 


Tiniyak ni Secretary Laurel sa mga mambabatas na ginagawa ng DA ang kanilang bahagi upang maiwasan ang kakulangan sa suplay ng mga pangunahing bilihin, lalo na sa papalapit na kapaskuhan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home