Monday, November 20, 2023

PAGPAPALAWIG NG TERMINO NG MGA BARANGAY AT SK OFFICIALS, TINUTULAK SA KAMARA

Ipinanukala ni Agusan del Norte Second District Representative Dale Corvera sa Kamara na palawigin ang termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials.


Sa kanyang inihaing HB09557, nais ni Corvera na gawing limang taon ang paninilbihan ng naturang mga opisyal na lilimitahan sa dalawang magkasunod na termino ang kanilang panunungkulan upang maiwasan ang nakagawiang pagpapaliban sa eleksyon.


Layunin din nito na tuparin ng mga barangay at SK officials ang mandato nang hindi iniisip ang palagiang pagdaraos ng halalan.


Binanggit ng kongresista ang nakasaad sa Section 8, Article X ng 1987 Constitution kung saan ang term of office ng elected officials ay itinakda sa tatlong taon, maliban sa barangay officials na tutukuyin ng batas ngunit hindi maaaring lumampas sa tatlong magkakasunod na termino.


Naniniwala si Corvera na kapag pinalawig ang termino ng mga ito, magkakaroon ng "genuine periodic elections" para sa barangay at SK officials at mababawasan din ang gastos sa halalan.


Dagdag pa ni Covera, masyadong maiksi ang tatlong taon dahil sa unang taon ng panunungkulan nila, itinuturing pa ito na orientation sa trabaho habang sa ikalawang taon ay re-election na ang inaatupag ng mga opisyal.


Dahil dito ay hindi umano natatapos ang mga programa at proyekto para sa barangay na sa nakalipas na mga panahon ay nagiging mas mahalaga na tulad ng ginawang innovations ng DILG at DSWD na maipatutupad sa grassroots level. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home