Friday, November 17, 2023

Magandang pagkakataon ang pagdalo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leader’s Summit para maibenta ang Maharlika Investment Fund o MIF. 


Ito ang sinabi ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda, kasunod na rin ng paglalabas ng pinal ng implementing rules and regulations o IRR para sa MIF. 


Ayon kay Salceda, na kilalang ekonomista --- mabuti na nagkaroon na ng final IRR ang MIF, dahil kailangang may maibenta sa APEC. 


Hindi naman aniya lingid sa lahat na malaki ang APEC, at sa katunayan ay naririto ang pinaka-malaking bloke ng ekonomiya sa buong mundo. 


Sa pananaw ni Salceda ay hindi naman sa minadali ang IRR ng MIF, pero nagkataon na lamang na may dala-dala si Pang. Marcos Jr. sa APEC at mainam na ito kaysa sa wala. 


Ani Salceda, sa APEC kasi --- habang nagpupulong ang matataas na lider ng mga bansa ay may mga opisyal din ng malalaking negosyo at dito maaaring maibenta ang MIF. 


Samantala, sinabi ni Salceda na uubra ring talakayin ni Pres. Marcos Jr. sa APEC partikular sa mga kaalyadong bansa tulad ng Amerika ang isyu ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea. 


Sa APEC aniya, magagawa ang kalakalan at pag-uusap, at mailalapag ang pambansang interes. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home