Friday, November 17, 2023

MATAGUMPAY NA MGA PILIPINO, PINAPURIHAN NG KAPULUNGAN 


Itinalaga ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang sesyon ngayong Miyerkules sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, upang papurihan sa pamamagitan ng House Resolutions (HRs), ang mga Filipino achievers sa larangan ng palakasan, musika, pag-arte, pag-indak, pagluluto, gayundin ang pamumuno sa scouting. 


Kabilang sa mga atletang Pilipino na kinilala sa pamamagitan ng HRs ay sina (1) Filipino boxer Marlon Tapales, sa pagwawagi sa World Boxing Association-International Boxing Federation Super Bantamweight Championship na ginanap sa San Antonio, Texas, U.S.A. noong ika-9 ng Abril 2023 (HR 1253); (2) Atletang kabataang Pilipino na si Celine Marie Abalos sa pagkamit ng gintong medalya sa 2023 Australian Masters U.S. Kids Golf Tournament na ginanap sa Hunter Valley, Sydney, Australia noong ika-17 ng hanggang 18 ng Abril 2023 (HR 1259); (3) miyembro ng Philippine Squash Team dahil sa pagkamit ng dalawang gintong medalya sa 23rd International Jumbo Doubles Squash Tournament para sa President's Cup na ginanap sa Tanglin Club, Singapore noong ika-16 hanggang 19 ng Pebrero 2023 (HR 1287); (4) miyembro ng Philippine National Rowing Team dahil sa pagkamit ng apat na medalya sa 2023 World Rowing Indoor Championships na ginanap sa Toronto, Canada noong ika-25 hanggang 26 ng Pebrero 2023 (HR 1288); (5) Ang Pilipinong surfer na si Rogelio "Jayr" Esquivel, Jr. dahil sa pagbangon bilang kampeon sa World Surf League La Union International Pro-Longboard Qualifying Series na ginanap sa Urbiztondo Beach, San Juan, La Union noong ika-20 hanggang 26 ng Enero 2023 (HR 1294,); (6) miyembro ng Philippine Pencak Silat Team sa pagkuha ng 10 medalya sa 2023 Sarawak Premier International Silat Championships na ginanap sa Kuching, Sarawak, Malaysia noong ika-27 ng Pebrero hanggang ika-5 ng Marso 2023 (HR 1303); (7) miyembro ng Philippine Lawn Bowls Team dahil sa pagkamit ng tatlong ginto at dalawang tansong medalya sa 14th Asian Lawn Bowls Championships na ginanap sa Ipoh, Malaysia noong ika-17 hanggang 23 ng Pebrero 2023 (HR 1304); (8) Filipino gymnast Carlos Edriel Yulo para sa pagkamit ng medalya sa 2023 Fédération Internationale De Gymnastique Artistic Gymnastics World Cup Series na ginanap sa Doha, Qatar noong ika-1 hanggang 4 ng Marso 2023, at sa Baku, Azerbaijan noong ika-9 hanggang 12 ng Marso 2023 (HR 1316); at (9) Filipino Olympian boxer Charly Coronel Suarez sa pagbangon bilang World Boxing Champion of Four International Boxing Titles sa isang boxing match na ginanap sa Sydney, New South Wales, Australia noong ika-15 ng Marso 2023 (HR 1417). 


Pinagtibay din ng Kapulungan, sa pamumuno sa sesyon nina Deputy Speakers Antonio "Tonypet" Albano at Vincent Franco "Duke" Frasco nitong Miyerkules, ang mga HRs na nagbibigay ng papuri sa mga Pilipinong nagkamit mula sa ibang larangan: (1) mga batang Pilipinong nagwagi sa International Mozart Competition Vienna, na ginanap noong ika-25 ng Pebrero 2023, sa Vienna, Austria (HR 1296); 2) Joaquin Andre Ditan Domagoso para sa pagkamit ng ilang pandaigdigang parangal para sa kanyang papel bilang lead actor sa pelikulang "That Boy In The Dark" (HR 1297); (3) Billy Crawford para sa pagiging adjudged Grand Champion sa Season Twelve Of Danse Avec Les Stars (HR 1388); (4) Filipino Chef Johanne Siy dahil sa paggawad sa Asia's Best Female Chef 2023, sa Resorts World Sentosa, Singapore, noong ika-28 ng Marso 2023 (HR 1300); at (5) ang 33 awardees sa 15th Ani Ng Dangal Awards na ibinigay ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) (HR 1299). 


Kinilala rin ang mga kabataang achievers: (1) ang Pinabuhay Sa Tao Ang Kwento at Sining Youth Organization ng Munisipalidad ng Alabat, Lalawigan ng Quezon, dahil sa pagiging isa sa mga tumanggap ng 20th Ten Accomplished Youth Organizations Awards dahil sa napakahalagang kontribusyon nito sa pagbuo ng bansa (HR 1318); at (2) Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines 2023 (HR 1469). 


Kasama rin sa pinagtibay ang HR 523, na nag oorganisa ng Philippine National Scout Parliamentary Association, na makikilala bilang Philippine Legislators' Union for Scouting. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home