UMUUGONG NA IMPEACHMENT LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE INTRIGA LAMANG AYON SA ISANG LIDER NG KAMARA
-------------
ITINUTURING NI HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER ERWIN TULFO NA INTRIGA LAMANG ANG UMUUGONG NA IMPEACHMENT CASE LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE.
SINABI NI TULFO BILANG DEPUTY MAJORITY LEADER FOR COMMUNICATIONS SA KAMARA AGAD NIYANG TINAWAGAN SINA HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ AT HOUSE MAJORITY LEADER MANIX DALIPE UPANG ALAMIN ANG KATOTOHANAN NG LUMULUTANG NA IMPEACHMENT LABAN SA PANGALAWANG PANGULO.
AYON KAY TULFO ITINANGGI NINA ROMUALDEZ AT DALIPE NA MAYROONG USAPAN SA KAMARA HINGGIL SA PLANONG IMPEACHMENT KAY VICE PRESIDENT SARA.
SOT:
HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER ERWIN TULFO AMBUSH INTERVIEW
INIHAYAG NI TULFO KAHIT SINO AY PUWEDENG MAGHAIN NG IMPEACHMENT CASE SA ISANG IMPEACHABLE OFFICIAL SUBALIT DADAAN ITO SA PAGBUSISI NG KAMARA KUNG MAYROON ITONG SUBSTANCE BATAY SA NAKASAAD SA SALIGANG BATAS NA IMPEACHABLE OFFENSES TULAD NG CULPABLE VIOLATIONS OF THE CONSTITUTION, BETRAYAL OF PUBLIC TRUST AT TREASON.
NANINIWALA SI TULFO NA HINDI LULUSOT ANG IMPEACHMENT CASE LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA KUNG ANG GAGAWING GROUNDS AY ANG ISYU NG CONFIDENTIAL INTELLIGENCE FUNDS.
VIC SOMINTAC
PARA SA MATA NG AGILA
MATATAG MATAPANG MATAPAT wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home