Pagpapalakas ng laban kontra kanser, produksyon ng gamot sa bansa pinuri ni Speaker Romualdez
Ikinalugod ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda sa mga kasunduan na makatutulong sa mga Pilipino na labanan ang sakit na kanser sa sidelines ng pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, California.
Sinaksihan ng Pangulo ang paglagda ng memorandum of agreement nitong Miyerkules (oras sa Amerika) sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. (AC Health) at Varian Medical Systems Netherland B.V. at Varian Medical Systems Philippines, Inc.
Ang naturang kasunduan ay para sa pagpapaunlad ng oncology clinics sa Pilipinas at pagtutulungan sa inobasyon at pagsasaliksik para mapagbuti ang pagtukoy, pagpapagamot at pag iwas sa cancer.
“This collaboration between AC Health and Varian Medical Systems is a significant stride towards enhancing cancer care in our country," sabi ni Romualdez
“By combining the strengths of a respected healthcare provider and a global leader in medical technology, this partnership forged under the administration of President Marcos is poised to create a positive and lasting impact on the lives of many Filipinos affected by cancer,” dagdag niya.
Batay sa kasunduan, ang Healthway Cancer Care Hospital ng AC Health ay magsisilbing hub para pag-ugnayin ang mga oncology clinics na istratehikong nakakalat sa Metro Manila.
Ang ganitong hub-and-spoke model ay magpapadali sa access ng mga pasyente sa komprehensibong cancer care, saan man ang kanilang lokasyon.
Magtutulungan din ang dalawang partido sa pagsasaliksik at inibasyon para mapaganda pa ang diagnosis, paggamot, at pag-iwas sa cancer, na siyang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.
Ngayong 2023, pumangatlo ang kanser sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino kung saan nakapagtala ng 141,021 na bagong kaso ng kanser at 86,337 na pagkamatay kada taon
“The potential benefits this groundbreaking agreement brings to Filipino cancer patients are aligned with the priorities the House of Representatives, which include initiatives to help victims of this dreaded disease in our country,” ani Romualdez.
Sabi pa ni Romualdez, ang ugnayang ito ng AC Health at Varian ay makatutulong sa pagkamit ng hangarin ng Republic Act No. 11215, o National Integrated Cancer Control Act, na naisabatas noong Pebrero 2019.
Matatandaan na Hulyo ngayong taon ay tiniyak ni Romualdez sa mga pasyente na may kanser, sa kanilang pamilya at sa mga espesyalista na hahanapan ng paraan ng Kamara na masuportahan ang mga proyekto para maisaayos ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan at mga kaakibat nitong serbisyo.
Ipinangako ito ni Romualdez sa isang town hall meeting na tinawag na “Congress at Your Service-We listen, We Deliver” sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para pakinggan ang mga pangangailangan ng mga cancer patient.
Samantala pinuri din ng House Speaker ang joint venture sa pagitan ng Lloyd Laboratory at DIFGEN Pharmaceuticals para sa pagpapabuti ng sterile solution, pagbebenta nito at posibleng export sa United States.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home