Friday, November 17, 2023

TINAWAG NI HOUSE MAJORITY LEADER MANNIX DALIPE NA ‘FAKE NEWS’ ANG SINASABING PLANONG IMPEACHMENT NG ILANG TAGA-KAMARA LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE.


SA ISANG PAHAYAG, SINABI NI DALIPE NA WALANG BASEHAN ANG MGA INTRIGA AT NAKAKASIRA LAMANG ANG ‘POLITICAL UNITY.’


TINGIN NI DALIPE, ANG MGA TSISMIS UKOL SA IMPEACHMENT AY PAGTATANGKA NA PAG-AWAYIN SINA VP DUTERTE AT HOUSE SPEAKER FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ.


GIIT PA NI DALIPE, MAHIGPIT ANG REQUIREMENT SA PAGHAHAIN NG IMPEACHMENT COMPLAINT SA KONGRESO, AT KAILANGAN NA SUPORTADO ITO NG MATITIBAY NA EBIDENSYA AT MGA RASON NA ALINSUNOD SA CONSTITUTIONAL PROCESS.


SAMANTALA, SINAGOT NA RIN NI DALIPE ANG BALI-BALITA HINGGIL SA UMANO’Y PRESIDENTIAL ASPIRATIONS NI ROMUALDEZ SA ELEKSYON 2028.


SA KATUNAYAN, ANI DALIPE, WALA PANG DESISYON SI ROMUALDEZ TUNGKOL SA PAGTAKBO SA PAGKA-PRESIDENTE, AT SA HALIP AY SA NAKATUTOK ANG SPEAKER SA MAHAHALAGANG LEGISLASYON BILANG SUPORTA SA AGENDA NI PANG. FERDINAND MARCOS JR., PARA SA KABUTIHAN NG MGA PILIPINO.


TINIYAK DIN NI DALIPE NA PATULOY ANG PAGGALANG NI ROMUALDEZ KAY VP DUTERTE, AT ANG ANUMANG TAKTIKA AY HINDI PARTE NG KANYANG DISKARTE AT KARAKTER.


SA HULI, PINAKAKALMA NI DALIPE ANG SUPPORTERS NI VP DUTERTE, AT KUNG WALA NAMAN SIYANG GINAGAWANG MASAMA AY WALANG DAHILAN PARA MAG-ALALA SA MGA WALANG KATUTURANG TSISMIS.


IMPORTANTE RIN ANIYA ANG KATOTOHANAN AT TRANSPARENCY SA POLITIKA, HABANG DAPAT NANG IHINTO ANG PAGPAPAKALAT NG MALING BALITA NA MAKAKASIRA LAMANG SA DEMOKRASYA AT PAGKAKAISA. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home