Tuesday, November 21, 2023

Tingog partylist, agad sumaklolo para magbigay ng tulong sa mga binahang residente ng Northern Samar


Bente kuwatro oras na nagta-trabaho ang Tingog Partylist, katuwang ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, upang makapagbigay ng  emergency relief assistance sa libong pamilya na apektado ng malawakang pagbaha sa Northern Samar.


Nalubong sa baha ang ilang komunidad sa baybayin ng probinsiya dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng low pressure area at shear line nitong Martes, Nobyembre 21. 


Batay sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 22,000 na indibidwal mula sa munisipalidad ng Maslog, Arteche, Jipapad, Dolores at Maydolong ang apektado ng pagbaha.


Nitong Martes, nasa 1,838 naman ang naitalang lumikas.


"We are deeply saddened by the damage caused by this natural calamity. We urgently need to get aid to affected families who lost their homes and livelihoods," sabi ni Tingog Partylist Rep. Yedda K. Romualdez.


Nakikipag-ugnayan ang Tingog Partylist sa tanggapan ng Speaker at kanilang district office sa Eastern Visayas upang ihanda ang libu-libong family food packs na naglalaman ng grocery items, inuming tubig, at hygiene kits. 


Ang unang batch ay ipinadala na Martes ng hapon at inaasahang masusundan pa. 


"Tingog Partylist will continue to monitor the situation in Northern Samar and Eastern Samar. Our office in Tacloban City is on standby to extend all necessary assistance to victims of this flooding," dagdag ni Rep. Jude Acidre. "We hope these relief supplies will help families get back on their feet." wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home