PANUKALANG BATAS NA LAYONG PAUNLARIN ANG INDUSTRIYA NG KAPE SA PILIPINAS, INAPRUBAHAN NG KOMITE
Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Agrikultura ng Kapulungan sa mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang substitute bill na layong magtatag ng pambansang programa para sa pagpapaunlad ng industriya ng kape sa Pilipinas, at dahil dito ay itatatag ang Philippine Coffee Council, kabilang na ang pagpondo nito. Ayon kay Rep. Enverga, mismong si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay suportado ang pagsusulong ng panukalang batas, at ipinag-utos na, “to expedite the deliberation as he is hoping to approve the bill before the year ends. He firmly believes in the potential of the coffee industry and the benefit that would redound to the farmers, processors, traders, consumers, and other industry partners.” Sinabi pa niya na buo rin ang suporta ng mga nasa pamahalaan at pribadong sektor para sa kasalukuyang pagsisikap na mapalakas ang industriya ng kape sa Pilipinas. Pinalitan ng panukalang batas ang mga HBs 1796 at 3552 na inihain nina Camarines Sur Rep. Luis Raymund 'LRay' Villafuerte Jr. at AAMBIS OWA Partylist Rep. Lex Anthony Cris Colada. Ang kapalit na panukalang batas ay nananawagan sa pagpapatupad ng 2021-2025 Philippine Coffee Industry Roadmap na binuo sa pakikipagtulungan ng mga nagsusulong na nasa industriya ng kape, at inendorso ng mga dating Kalihim ng Agrikultura at Trade and Industry noong ika-7 ng Marso 2017. Ang roadmap ay magsisilbing gabay ng mga nagsusulong ng industriya ng kape para sa pinakamainam na pagsasakatuparan ng mga layunin, tungo sa isang sustainable at globally competitive Philippine Coffee Industry. Ang mga estratehikong interbensyon, programa, at iba pang mga aktibidad mula sa pambansa, pababa sa mga lokal na antas ay nakaangkla sa roadmap. Para sa isang nakatuon at maayos na pagpapatupad ng Philippine Coffee Industry Roadmap at ng mga probisyon ng panukalang Batas, itatatag ang Philippine Coffee Council upang magdirekta, mangasiwa, at magmonitor sa pag-unlad ng industriya ng kape sa Pilipinas. Ito ay magiging kalakip ng Department of Agriculture at pangangasiwaan ng Kalihim ng DA. Maglalaan ang Komite ng P500 milyon na paunang pondo para sa pagpapatupad sakaling ito ay maging ganap na batas. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home