Walang nakikita ang Department of Energy o DOE na “power outages” sa panahon ng tag-init sa 2024, sa kabila ng El Niño phenomenon.
Sa pagdinig ng House Committee on Climate Change, sinabi ni Mark Christian Marollano na Supervising Science Research Specialist ng DOE na batay sa kanilang projection --- wala silang nakikita na “shortfall” o kakulangan sa kuryente sakaling ma-extend ang El Nino sa susunod na taon.
Ani Marollano, may sapat na reserba mula sa power plants, kaya ang “reserve level” sa Luzon Grid pati sa Visayas at Mindanao ay nasa normal na kondisyon.
Sinigurado naman ni Marollano na ginagawa ng Kagawaran ang lahat upang maiwasan o mabawasan ang problema sa kuryente na maaari pa ring sumulpot sa panahon ng El Nino.
Kabilang aniya sa “key interventions” ay pagtitiyak na sapat ang supply ng kuryente; makukumpleto ang power generation and transmission projects; mayroong emergency back-up systems; at iba pa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home