Tuesday, November 21, 2023

MGA PANUKALANG BATAS HINGGIL SA PRIVATE BASIC EDUCATION VOUCHER PROGRAM, AT KAKULANGAN SA SILID ARALAN – INAPRUBAHAN NG KOMITE 


Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Basic Education at Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo, ang substitute bill na nagtatatag ng Private Basic Education Voucher Program. 


Ipapawalang bisa ng panukala ang ilang bahagi ng Republic Act No. 6728, na sinusugan ng "Expanded Government Assistance to Students and Teachers In Private Education Act" (Republic Act [RA] No. 8545). 


Sa ilalim ng panukalang Basic Education Voucher Program, magbibigay ang pamahalaan ng vouchers sa mga kinikilalang pribadong mababang paaralan para sa mga mag-aaral sa kindergarten, elementary, at secondary. 


Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang magtatakda ng halaga ng mga voucher. 


Ang kabuuang halaga ay hindi bababa sa halaga na kasalukuyang ibinibigay ng DepEd. 


Ang voucher assistance para sa mga estudyante ay ibabatay sa tuition at iba pang bayarin na sinisingil ng mga paaralan, at sa socio-economic na pangangailangan ng bawat estudyante. 


Ang mga mag aaral na mahina at mahihirap, o ang mga kabilang na nasa ibaba una hanggang ikalimang antas ng kita, ayon sa pagpapasiya ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay dapat unahin sa programa. Ang mga prayoridad na mag-aaral ay makakatanggap ng mas mataas na halaga ng voucher. 


Lilikha ng Bureau of Private Education (BPE) sa ilalim ng DepEd, upang magsilbing focal office para sa administrasyon, pangangasiwa, at regulasyon ng lahat ng bagay na may kaugnayan sa mga pribadong institusyon ng basic education, kabilang ang tulong at subsidyo ng gobyerno. 


Pinalitan ng panukalang batas ang mga House Bills 928, 1723, 5589, 1585, at 7666, na ini-akda nina Rep. Romulo, Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez, Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Maguindanao del Norte Rep. Bai Dimple Mastura, Calamba City Rep. Charisse Ann Hernandez, Bulacan Rep. Salvador Pleyto,  Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, Jr., Southern Leyte Rep. Christopherson Yap, Davao del Sur Rep. John Tracy Cagas, Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo, at Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla III. 


Inaprubahan din ng Komite ang HB 3174, na layong bigyang katuwiran ang paglalaan ng badyet ng Kagawaran ng Edukasyon para sa capital outlay, upang matugunan ang paulit ulit na problema sa kakulangan ng silid aralan lalo na sa mga pampublikong paaralan. 


Ang panukalang batas na ini-akda nina Deputy Speaker (DS) at Batangas Rep. Ralph Recto ay aamyendahan para sa layunin ang Republic Act 7880, o ang Fair and Equitable Access to Education Act. 


Inaprubahan din ng Komite na pagsama-samahin ang mga HBs 548, 715, 1201, 2481, 2681, at 4026, sa isang substitute bill. Ang kapalit na panukala ay layong isa-ayos ang laki ng klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan at ang paglalaan ng angkop na pondo para dito. 


Sina ACT TEACHERS Party-list Rep. France Castro, Rizal Rep. Emigdio Tanjuatco III, Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas, Manila Teachers Party-list Rep. Virgilio Lacson, Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, at Camarines Sur Rep. Luis Raymund 'LRay' Villafuerte, Jr., ang mga may-akda ng mga panukala, ayon sa pagkakasunod. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home