Tuesday, November 21, 2023

Nais ni House Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar na maging libre ang “freight (freyt) services” o paghahatid ng relief goods sa mga lugar na tinamaan ng lindol at iba pang kalamidad, at nasa ilalim ng “state of calamity.” 


Sa paghahain ng kanyang House Bill 9345 o Free Transportation of Relief Goods Act --- ipinunto ni Villar na isang “humanitarian act” kung gagawin nang libre ang transportasyon ng relief items at iba pang uri ng donasyon. 


Naniniwala ang lider ng Kamara na palalakasin din nito ang “bayanihan” sa mga Pilipino. 


Ani Villar, sa panahon ng sakuna ay mahalagang magtulungan ang pamahalaan at ang pribadong sektor upang matiyak na mabilis na makararating ang relief goods sa mga pamilya o indibidwal na biktima ng kalamidad --- ito man ay bagyo, baha, lindol o pagsabog ng bulkan. 


Dagdag ni Villar, importante ang kolektibong aksyon na hindi lamang makapagsasagip ng buhay, kundi makakatulong sa pagbangon ng mga nasalanta. 


Sa ilalim ng panukala ni Villar --- atasan ang Office of the Civil Defense, National Disaster Risk Reduction and Management Council, at Department of Transportation, katuwang ang Philippine Postal Corporation at iba pang kumpanya o forwarder, common carrier, at katulad na tukuyin ang mga relief organization na magpapadala ng relief goods at iba pang donasyon. 


Dapat ay walang bayad ang mga serbisyo at iba pang bayarin na karaniwang ipinapasa sa customers. 


Ang NDRRMC ay magbibigay-seguridad at tututok sa traffic management assistance sa relief operations, habang ang attached agencies ng DOTr ang magpapatupad ng batas. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home