Tuesday, November 21, 2023

Hindi mapag-iiwanan ang maliliit na mangingisda sa isinusulong na pagtatatag ng "blue economic zone" na poprotekta sa coastal at marine ecosystems at resources ng bansa.


Ito ang tiniyak ni Tarlac Representative Christian Yap sa pagdinig ng House Ways and Means Committee ukol sa substitute bill na bubuo ng framework para sa blue economy.


Sa ilalim nito ay itataguyod ang transformation ng umiiral na special economic zones kung saan nabibilang ang mga ocean-based at ocean-related activities upang makinabang sa pribilehiyo, benepisyo at iba pang exemptions na ipinagkakaloob sa economic zones at freeports.


Nangangamba kasi si House Deputy Minority Leader na maapektuhan ang hanapbuhay ng mga mangingisda samantalang bibigyan ng insentibo ang mga korporasyon na magtatayo ng pasilidad sa itatalagang blue economic zones.


Sinabi ni Yap na matutulungan ang mga mangingisda lalo na kung uusbong ang post-processing facilities sa anchoring industry na lilikha ng maraming trabaho para sa kanilang pamilya.   


Mas malaki rin aniya ang kikitain dahil ang mga huling isda ay maaaring iproseso, maimbak at ma-export mula sa economic zone.


Punto pa ni Castro, dapat siguruhing hindi masisira ang mga likas na yaman at walang ipatutupad na "no sail zone" para sa mga mangingisda.


Sagot ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, malinaw na nakasaad at iginigiit sa panukala ang "equitable and safe development" at ligtas na paggamit ng marine wealth at resources. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home