RESOLUSYON NA NAGTATAGUYOD NG INTEGRIDAD AT KARANGALAN NG KAPULUNGAN, PINAGTIBAY
Pinagtibay ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang House Resolution (HR) 1414, na sumusuporta sa integridad at karangalan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, kasabay ng pagpapahayag ng pagpapahalaga, pakikiisa, at suporta sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez. Pinasimunuan ni Senior Deputy Speaker (SDS) Aurelio "Dong" Gonzales Jr. ang resolusyon, pinuri niya ang matibay na pamumuno ni Speaker Romualdez sa pagtatanggol sa dignidad, integridad, at reputasyon ng institusyon, na kalaunan ay pinagtibay ng Kapulungan, na umakto bilang Committee of the Whole House. Pinuri naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas sa kanilang mga nagawa, partikular ang pagpasa ng 20 Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measures tatlong buwan bago ang deadline, gayundin ang 2024 General Appropriations Bill (GAB). Nanindigan siya na mananatiling matatag upang tuparin ang kanyang pangako na ipagtanggol ang integridad ng institusyon. “Let not our hard work be undermined by a dissatisfied few whose only intention is to sow divisiveness. Instead, let our outputs speak for our loyalty to our country, the constitution, and the entire Filipino people,” aniya. Hiniling din ni Speaker Romualdez sa lahat ng partido na unahin ang pagsasabatas ng mga panukala na tutugon sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino. "Let us focus on the tasks at hand. When our goals are aligned, we could be an excellent force, propelling our country into unbridled progress. Let us ensure that our actions will promote development in all spheres of both the government and society," aniya. Isinulong ni SDS Gonzales ang pagpapatibay ng HR 1414 dahil aniya “to manifest to Speaker Romualdez that [the lawmakers] stand firmly behind him, preserving the honor and integrity of the House and pledge [their] allegiance and unity.” Si Majority Leader Manuel Jose "Mannix" Dalipe ang isponsor ng panukala sa plenaryo, at nagsabi na kung patuloy na magtutulungan ang mga mambabatas, mas magiging epektibo sila sa pagbawas ng kahirapan, maitatayo ang mas malakas na kinabukasan, at pagsasabatas ng mga patakaran na tumatalakay sa mga pinakamabigat na usapin sa bansa. “While we recognize that legitimate criticisms are but part of the organs of democracy, we are unfazed. We continue to improve the delivery of our constitutionally-mandated obligation to serve the people through legislation,” aniya. Ilang kongresista ang nagpakita ng kanilang suporta kay Speaker Romualdez, kabilang ang mga kinatawan mula sa Lakas Christian-Muslim Democrats (CMD), National Unity Party (NUP), Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Nacionalista Party (NP), Nationalist People's Coalition (NPC), Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), at Partido Navoteño. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home