Tuesday, November 21, 2023

Ipinapanukala sa Kamara na mapagkalooban ng P1,000 kada buwan ang mga senior citizen sa bansa, upang may magamit sila sa pangangailangang-medikal.


Ito ay nakapaloob sa House Bill 9569 nina Reps. Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo, Ralph Tulfo, Eric Yap at Edvic Yap.


Paliwanag nila, layon ng panukala na tumugon sa suliraning kinakaharap ng mga nakatatanda, lalo na ang may malubhang sakit o pangmatagalang kondisyon sa kalusugan.


Sa ngayon kasi anila, malaking hamon para sa maraming lolo at lola ang pera lalo na ang pambili ng maintenance medicines o mga gamot.


Kaya naman sa pamamagitan ng buwanang P1,000 tulong, mapagbubuti ang kalidad ng buhay ng mga nakatatanda, mababawasan ang problemang-pinansyal nila, at mas magiging accessible para sa kanila ang kinakailangang gamot.


Higit sa lahat, hangad ng House Bill na pahalagahan ang kalusugan at kapakanan ng mga senior citizen, na may malaking ambag at papel sa lipunan.


Sa pinakahuling survey ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2020, aabot sa 9.2 million ang senior citizens sa Pilipinas o mga tao na edad 60 pataas. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home