Tiniyak ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. na mahigpit siyang nakatutok sa supply at presyuhan ng mga sibuyas sa bansa.
Sa pulong ng House Committee on Agriculture and Food, personal na humarap si Laurel sa mga kongresista.
Aniya, sa ngayon ay presyo ng pulang sibuyas ay nasa P140 kada kilo, habang P110 kada kilo ang puti.
Mahigpit aniya ang pagbabantay niya sa sitwasyon, upang hindi na maulit ang nangyari noong nakalipas na taon kung kailan pumalo sa P600 hanggang P800 ang kada kilo ng sibuyas.
Dagdag ni Laurel, maglalatag ang Department of Agriculture ng iba’t ibang aksyon.
Ayon naman Agriculture Asec. Arnel de Mesa, ang prevailing price ng sibuyas ay nasa P140 hanggang P160.
Habang kinumpirma ni Bureau of Plant Industry o BPI Exec. Dir. Glenn Panganiban na may inaasahang imported na supply, upang mabalanse ang presyo.
Sinabi ni Quezon Rep. Mark Enverga, chairman ng House Agriculture panel --- patuloy na magbabantay ang Kamara sa estado ng sibuyas lalo na’t nalalapit na ang Disyembre.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home