Tuesday, November 21, 2023

Hindi aasa ang Pilipinas sa imported na bigas sa pagpasok ng taong 2024 kahit pa panahon ito ng "lean months".


Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture sa pagharap ng mga opisyal sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ngayong araw.


Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, kayang tumagal ng hanggang walumpung araw ang suplay ng bigas lalo't sa third quarter ay tumaas ang produksyon ng 0.22 percent o nasa 3.7 million metric tons.


Kung papasok aniya ang Indian imports ay mapapalawig hanggang siyamnapung araw o tatlong buwan ang suplay na tamang-tama para sa harvest season sa Marso hanggang Abril ng susunod na taon. 


Ibinida rin ni De Mesa na bumagsak ang rice imports ng bansa sa 2.8 million metric tons kumpara sa 3.8 million metric tons na inangkat noong 2022.


Sa datos ng Agriculture Department, nasa 95 percent na ang na-harvest mula sa rice-producing areas kabilang ang Central Luzon.


Samantala, inaasahan naman ng DA na sa Disyembre ay maitatala sa 48 pesos kada kilo ang presyo ng well-milled na bigas habang 41 hanggang 43 pesos ang average sa regular-milled. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home