Tahasang sinabi ni House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo na dapat nang pauwiin ng China si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian dahil sa pagiging “inutil.”
Ito ay sa gitna na umiinit na tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon pa kay Tulfo, “useless” o walang silbi ang naturang ambassador ng China.
Sinabi rin ni Tulfo na mainam kung pabalikin na sa Pilipinas ang ating ambassador na nasa China.
NARITO ANG BAHAGI NG TINIG NI CONG. ERWIN TULFO:
Kasabay nito, iminungkahi ni Tulfo na gamitin ang mga fighter jet sa pagpa-patrolya sa West Philippine Sea.
Aniya, nakaparada lang naman ang mga ito at ilang milyong piso ang ginastos dito kaya mas mabuti kung gagamitin.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home