Tuesday, January 23, 2024

CONGRESSTV, INILUNSAD NG KAPULUNGAN; REP. SUAREZ, HINIRANG BILANG DEPUTY SPEAKER


Inilunsad ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa pakikipagtulungan sa state-owned People's Television (PTV) Network, ang CongressTV, isang free-to-air channel na naglalayong ilapit ang   Kapulungan sa mamamayan, at himukin ang aktibong partisipasyon ng sambayanan sa prosesong demokratiko. 


Ipinahiwatig ni Romualdez na hindi lamang isang channel ang CongressTV kungdi isa itong tulay na nagdurugtong ng Kongreso sa bawat Pilipino. 


Binigyang diin niya na ang aktibong pakikilahok ng publiko ay makakapukaw sa kamalayan ng mamamayan sa mga usapin, makilahok sa talakayan, at mabigyang kapangyarihan na makapili at makapagpasya. 


“CongressTV indeed is our commitment to ensure that no Filipino is left in the dark, that every citizen is afforded a front row seat in the legislative process,” aniya. 


Nanawagan si Speaker sa sambayanan na hilingin ang mga pananagutan at lumahok sa demokratikong proseso, upang matiyak na ang kanilang mga alinlangan ay natatalakay sa bawat debate at batas. 


“CongressTV is not just a one-way street. It is not just broadcasting what happens within the House. It’s about sparking conversations, about fostering a more interactive and participatory form of governance. It’s about you, the people, having direct access to your representatives and the legislative process,” dagdag niya. Ipinahayag ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na ang CongressTV ay isang plataporma na gagabay upang matiyak na ang bawat Pilipino, anuman ang kanyang katayuan sa lipunan, ay ganap na nakakabatid at nabibigyang kaganapan sa mga inisyatiba, polisiya at mga programa ng Kongreso. 


“It is a tool for empowering citizens to be involved in the democratic process in creating laws…We are reinforcing our commitment to democracy, to transparency, and to the people we serve,” ayon kay Tulfo. 


Ipinaliwanag ni Tutok to Win Party-list Rep. Samuel Verzosa Jr. na  ang CongressTV ay isang paraan para sa mga mamamayan na mamalas ang kanilang mga kinatawan sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. 


“Malalaman ninyo yung mga ipinaglalaban naming mga batas na isinusulong namin…Mas maiintindihan ng publiko kung ano yung ginagawa natin sa House,” ani Verzosa, at binanggit na maghahatid ito ng mapagkakatiwalaang mga impormasyon para sa mamamayan at maalis ang pagkalat ng mga fake news. 


Ayon kay PTV4 General Manager Ana Puod, mapapanood ng sambayanan ang CongressTV sa PTV’s digital Channel 14, gayundin sa Channel 46 ng GMA Affordabox at Channel 2 sa ABS-CBN TV Plus. 


Ang pagsasahimpapawid nito ay mula 9AM hanggang 9PM araw-araw na magsisimula sa ika-23 ng Enero. 


Dumalo sa paglulunsad sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Jose Manuel “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, AKO BICOL Party-list Rep. Elizaldy Co, at HRep Secretary General Reginald Velasco. 


Samantala, sa plenaryo na pinangunahan nina Deputy Speakers Raymond Democrito Mendoza at Antonio “Tonypet” Albano, ay hinirang ng mga mambabatas si Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez bilang deputy speaker kapalit ni dating Rep. Ralph Recto, na hinirang ng Pangulo sa gabinete bilang Finance Secretary.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home