isa Tutol ang nakararaming empleyado ng Mababang Kapulungan sa isinusulong na relokasyon ng gusali ng Kamara sa Bonifacio Global City o BGC sa lungsod ng Taguig.
Ito ang lumabas sa survey, na inilunsad ng tanggapan ng Office of the House Secretary General.
Mula sa 1,698 na responses o sumagot hanggang nitong Jan. 21, 2024 --- lumabas na nasa 1,481 o 88% ang kontra sa paglipat ng Kamara sa BGC.
Habang aabot naman sa 208 o 12% lamang ang mga bumotong pabor.
Sa datos, halos limang libo ang bilang ng mga kongresista, congressional staff at secretariat sa Kamara; pero nasa 1,698 lamang ang tumugon o katumbas ng 36%.
Nauna nang sinabi ng House SecGen na layon ng survey na malaman ang pananaw ng mga kawani ng Kamara.
Inaasahan namang magpapatuloy pa ang deliberasyon ng binuong Ad Hoc Committee.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home