Monday, January 22, 2024

media Aff RESOLUSYON NA PINUPURI ANG MGA KAMPEON SA INTERNATIONAL MOOT COURT, IBA PANG LOKAL NA PANUKALA, PINAGTIBAY NG KOMITE 


Pinagtibay ngayong Lunes ng Komite ng Higher at Technical Education ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Resolution 1284, na inihain ni Cebu City Rep. Eduardo Rama, ang pagbati ng Kapulungan sa University of San Carlos (USC), lalo na sa Mooting Team nito, dahil nasungkit ang ikatlong puwesto sa 15th Nelson Mandela World Human Rights Moot Court Competition. 


Kinailangang suriin ng mga kalahok sa nasabing pagtatampok ang mga ligal na argumento sa mga hypothetical na isyu sa karapatang pantao, at maglahad ng mga malakas na kaso gamit ang kanilang malalim na pag-unawa sa pandaigdigang batas sa karapatang pantao. 


Tinalakay at inaprubahan din ng Komite ang ilang lokal na panukalang batas, tulad ng House Bill (HB) 8417, o ang "Revised Pangasinan State University (PSU) Charter," na inihain ni Pangasinan Rep. Ma. Rachel Arenas. 


Ang hakbang ay naglalayong palakasin ang PSU sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na pagtuturo, angkop na kasanayan at kakayahan, propesyonal na pagsasanay sa iba't ibang larangan, at dapat mag-alok ng mga kurso sa undergraduate, graduate, at post-graduate. 


Inaprubahan din ng Komite ang mga HBs 4237 at 9121, na parehong inihain ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. Layon ng mga panukalang batas na magtatag ng mga regular na kampus, at isang sistema ng unibersidad para sa Don Honorio Ventura State University. Inaprubahan din ang iba pang mga panukala, na napapailalim sa pagtupad sa mga kahilingan ng Commission on Higher Education (CHED), ang mga HBs 9023 at 8215, na kapwa naghahangad na gawing state university ang Southern Philippines Agri Business and Marine and Aquatic School of Technology na matatagpuan sa Malita, Davao Occidental, at ang Davao del Norte State College sa Panabo City, Davao del Norte, ayon sa pagkakabanggit. 


Ang HB 9023 ay iniakda ni Davao Occidental Rep. Claude Bautista, habang ang HB 8215 ay iniakda ni Davao del Norte Rep. Alan Dujali.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home