Monday, January 22, 2024

grace Nakiisa na rin si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers sa mga nananawagan na ibalik ang school calendar sa June hanggang March mula sa kasalukuyang Agosto hanggang Mayo.


naniniwala si Barbers na ang dating school calendar ay malaking pabor para sa mga estudyante, magulang at guro na hindi na kailangang magdusa sa matinding init tuwing summer kung saan nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan.


diin pa ni Barbers, makakatulong din sa turismo at ekononomiya ng bansa kung maibabalik ang summer vacation para sa mga mag-aaral.


Paliwanag n i Barbers, ito ay dahil muling magkakaroon ang mga estudyante na bumyahe at pumasyal sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama ang kanilang pamilya.


sabi ni Barbers, ang naturang tradisyon na nagbibigay saya sa mga ma-aaral at kanilang mga magulang ay nawala o hindi na naisagawa sa loob ng ilang taon dahil sa umiiral na school calendar.

######

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home