Monday, January 22, 2024

medAff MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG BASIC EDUCATION SA BANSA, IPINAHAYAG NG MAMBABATAS


Ibinahagi ngayong Lunes ni Pasig City Rep. Roman Romulo, chairman ng Komite ng Basic Education and Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ang ilang mga problema na kinakaharap ng Pilipinas sa basic education, batay sa paunang mga resulta ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). 


Iniulat ni Romulo na ang mga manggagawa at mga guro ay kapos sa mga kinakailangang pagsasanay sa Early Childhood Education (ECE), “… barely half of them have a college degree, while 17 percent possess only a high school diploma, and staggeringly few have received formal training in ECE.” 


Binanggit niya rin ang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagpapakita na 36% lamang ng mga barangay ang may mga daycare centers, sa kabila ng pagsasabatas ng Republic Act (RA) 6972, series of 1990, na nagpapahintulot sa bawat barangay sa buong bansa na magkaroon ng kahit isang day care center. 


Sinisi ng mambabatas sa kakulangan ng sapat at mataas na kalidad ng pinagkukunan ng pag-aaral, lalo na ng mga aklat; na siyang dahilan ng pagkabalam ng administrasyon sa 13 assessment na pagsusulit, at ang hindi pagpapatupad ng 11 pang pagsusulit; at ang pananatili ng mababang passing rates sa mga mag-aaral na kumukuha ng licensure exams. 


Tinukoy niya rin ang mababang enrollment sa mga mahihirap na mag-aaral, at tinanong kung bakit na mas mababa pa 15% ang skills training programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang nakakuha ng national certification. 


Binanggit niya na ang pinalawig na pagsasara ng mga paaralan dulot ng pandemya ng  COVID-19 ang sanhi ng mga epekto sa pag-aaral at pangkalahatang kapakanan ng mga kabataan. 


Ayon kay Romulo, isinagawa ang EDCOM II upang patunayan kung totoo nga ba na kinakaharap ng bansa ang krisis sa edukasyon, alamin ang ugat ng krisis, at unawain kung bakit ito ay nagpapatuloy. 


“Collaborating with the nation’s foremost minds, universities and education leaders, we sought comprehensive insights in order to pave the way for truly effective solutions,” aniya. 


Si Romulo ang co-chairperson ng EDCOM II. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home