Monday, January 22, 2024

isa Muling iginiit ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan na maamyendahan ang 1987 Constitution. 


Sa kanyang talumpati sa pagbabalik-sesyon ng Kamara ngayong araw, at unang araw ng sesyon para sa 2024 --- sinabi ni Romualdez na itutuloy ng Kapulungan ang pagrebyu sa mga batas at patakaraan. 


Ang target aniya ng Kamara, tugunan ang mga isyu at magsulong ng mga reporma. 


Kailangan din aniya na mapalakas ang “relevance at applicability” ng mga batas upang makasabay sa kasalukuyang mga kondisyon, kasama na ang pag-amyenda sa Konstitusyon para sa kapa-kinabangan ng mga mamamayan at paglago ng ekonomiya. 


Dagdag ni Romualdez, importante na masimulan ang pagpapapasok ng foreign capital at direct investments sa ekonomiya, kaya naman kailangan ang Cha-Cha at tanggalin na ang mga economic provision na balakid sa pag-unlad. 


Ani Romualdez, “welcome” sa Kamara ang paghahain ng Resolution of Both Houses no. 6 nina Senate President Juan Miguel Zubiri, at Senators Sonny Angara at Loren Legarda. 


Ito aniya ay makasaysayan at kapuri-puring hakbang tungo sa Cha-Cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Con-Ass. 


Naniniwala rin si Romualdez na ito ay nagpapakita ng “strong sense of unity” o pagkakaisa, lalo’t tatayo ang Kongreso bilang iisang “body” at tutupad sa panawagan para sa “reformed, responsive at result-oriented Constitutional framework.” 


Sa tulong aniya ng Senado at lahat ng mga Pilipinong naghahangad ng pagbabago ay matutupad na rin ang pangarap na mabuksan ang ekonomiya para makapasok ang pondong kailangan sa paglikha ng mas maraming negosyo, trabaho, at kabuhayan ng mga Pilipino.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home