grace Iginiit ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na hindi isang walang kwentang kapritso lamang ang panawagan na ibalik ang school calendar sa June hanggang March mula sa kasalukuyang Agosto hanggang Mayo.
diin ni Castro, ito ay pakiusap ng nakararaming mga estudyante, guro at magulang na pawang nagdurusa sa matinding init tuwing summer classes kung saan marami ang nagkakasakit at kinakailangang gamutin sa ospital.
paliwanag ni Castro, sanay na ang mga estudyante at guro na magtungo sa school kahit sa panahon ng tag-ulan.
nilinaw din ni Castro na mas marami ang nasasayang na oras sa pag-aaral tuwing tag-araw dahil maraming klase ang hindi naisasagawa ng maayos dahil sa napakatinding init ng panahon.
Dagdag pa ni Castro, sa mga buwan ng Agosto hanggang Nobyembre dumarating ang mga matitinding bagyo na nagdudulot ng pagbaha at sa katunayan noong nakaraang taon ay suspendido na kaagad ang simula pa lang ng klase ng Agosto dahil sa bagyo.
######
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home