hajji Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na magiging “welcome development” para sa trade partners ang planong pagsusulong ng Charter Change lalo na ang pag-amiyenda sa restrictive economic provisions.
Sa welcome lunch para sa Philippine delegation sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum Annual Meeting, ibinida ni Romualdez ang mga pagsisikap na baguhin ang mahigpit na mga probisyon ng 1987 Constitution at gawing investor-friendly ang bansa.
Binanggit ng House leader na kung noon ay laging nagdadalawang-isip ang Senado sa mga panukala na amiyendahan ang Saligang Batas, ngayon ay pangungunahan na nito ang proseso.
Paliwanag ni Romualdez, hindi na lamang ito konsepto o kagustuhan tulad ng nangyari sa Maharlika Investment Fund na nagpapatunay na anuman ang sabihin ay ginagawa.
Naniniwala rin si Romualdez na maraming maiaalok ang Pilipinas pagdating sa pagtanggap ng mga negosyo at pagbubukas ng ekonomiya kaya naman hindi nito maitago ang pagkasabik na magbubunga ang engagements sa WEF Annual Meeting.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home