Friday, January 26, 2024

powee Senador JV Ejercito pinuri ang Suporta ng Japan at ADB para sa Proyektong Riles (240120)


Ipinagmalaki ni Senador JV Ejercito ang pakikipagtulungan ng bansa sa pamahalaan ng Hapon at ng Asian Development Bank (ADB) sa pagtatayo ng 147-kilometrong North-South Commuter Railway (NSCR) kamakailan.


Sinabi ng solon na hindi lamang ito magpapabilis ng paglakbay, kundi magbibigay din ng trabaho at pagkakataon habang itinataguyod ang pag unlad ng bansa.


Ayon kay Ejercito, ang proyektong ito ay naantala noong mga nakaraang panahon dahil sa isyu sa pondo, kasama ng iba pa.


Nagpahayag ang senador ng kasiyahan na ang NSCR ay tuluyang isinusulong, sa ilalim ng kasalukuyang Administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at liderato ng DOTr sa pangunguna ni Sec. Jaime Bautista na may suporta mula sa JICA at ADB. 


Inaasahan niyang ang proyekto ay hindi na magdaranas ng karagdagang pagkaantala."


Si Ejercito ang namumuno ng mga Komite ng Senado sa Pamahalaang Lokal at sa Urban Planning, Housing at Resettlement.


Nauna nang nanawagan si Ejercito sa naunang administrasyon na makipagtulungan sa Japan para sa NSCR at iba pang mahahalagang proyektong riles ng bansa. 


Binanggit ni Ejercito na ang Japan ay "mas mapagkakatiwalaang kaagapay" at binanggit na ang interes sa mga inaalok nitong utang ay nasa 0.01 porsiyento lamang kumpara sa 3 porsiyento ng China.


Sinuportahan naman ang panawagan ni Ejercito ng kanyang mga kasamahan sa Senado, kabilang sina Senador Grace Poe at Risa Hontiveros.


Ang pangangailangan sa pondo ng NSCR na P873.6 bilyon ay ibinibigay ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ADB. 


Ayon sa DOTr, ang commitment ng JICA ay P369.27 bilyon habang ang ADB naman ay nag-aambag ng P329.55 bilyon.


Ang gobyerno ng Pilipinas ay nagtataas ng natitirang P174.78 bilyon.


Kapag natapos ang nabanggit na proyekto, inaasahan na mababawasan ng NSCR ang oras ng paglalakbay mula sa Calamba sa Timog patungong Clark sa Hilaga ng mga tinatayang 50 porsiyento o higit pa. 


Ang sistema ay magkakaroon ng 35 na istasyon at mga 50 na set ng tren para sa mga commuter. 


Magkakaroon din ito ng ilang express train na maglilingkod sa mga pasahero na may balak gamitin ang Clark International Airport.


Inaasahan na makakapagserbisyo ang sistema sa mga 800,000 pasahero araw-araw.


Samantalang kamakailan lamang, nanawagan si DOTr Secretary Jaime Bautista sa sektor ng riles at pribadong mga kontratista na tiyakin na natatapos ang proyekto sa tamang oras.


Sa kanyang panawagan, inulit ni Bautista ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na "huwag ipagkait ang anumang pagsisikap upang matiyak ang pagtatapos ng monumental na gawain ng pagtatayo ng proyektong riles na ito."


Paalala ni Bautista sa mga ahensiyang kasali at sa pribadong sektor ang panawagan ni Marcos na "magtulungan upang harapin ang posibleng hamon hinggil sa proyektong ito."


Ang NSCR ay nakatakdang matapos at maging operasyonal sa darting na 2029.


-o0o- wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home