milks Speaker Romualdez, nakikipag-ugnayan kay SP Zubiri sa isyu ng chacha…
…
Nais ni House Speaker Martin Romualdez na makipag-ugnayan kay Senate President Juan Miguel Zubiri para maiwasan na ang banggaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sumulat si Romualdez kay Zubiri matapos tutulan ng Senado ang People’s Initiative na iniuugnay na pakana umano ng Kamara.
Sa kanyang dalawang pahinang sulat sa Senate President, binigyang diin ni Romualdez ang kahalagahan na buksan ang ekonomiya sa mas marami pang foreign investments.
Ayon kay Romualdez, hinihintay ng Kamara ang pag-apruba ng Senado ng kanilang sariling bersiyon ng charter change resolution at committed anya ang Kamara na ito’y mapagtibay.
Ito ay ang Resolution of Both Houses no. 6 na mag-aamyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Muling inulit ni Romualdez ang suporta ng Kamara sa RBH no. 6 na napagkasunduan bago ang pa man ang vin d’ honneur noong January 11.
Una rito, sa halip na magpulong kahapon ang LEDAC, nagsagawa ng hiwalay na meeting si Pangulong Bongbong Marcos sa mga Senator at Kongresista.
Dahil isa itong executive session na ipinatawag ng Pangulo, tumatanggi ang Senado at Kamara na idetalye kung ano ang napag-usapan.
RHTV : insert letter Romualdez
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home