tina Itinutulak ngayon ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa mababang kapulungan ng kongreso ang kanyang inihaing House Bill No. 9797 o ang Free Medicine Act of 2024.
Layon ng naturang panukala na bumuo ng isang medicine voucher program para sa mga mahihirap na Pilipino upang magkaroon ng access sa gamot mula sa mga pampublikong ospital, accredited drugstores at iba pang pribadong establisyemento .
Ayon kay Lee , ang nangyayari kasi kahit covered ng Philhealth ang isang pasyente , kapag hindi available sa ospital ang gamot na kailangan nito napipilitang bumili sa labas o galing sa kanilang sariling bulsa ang pasyente.
Ito ani Lee ang dahilan kung bakit marami ang napipilitang mangutang at iyong iba ay hindi na lang bumibili ng gamot kaya lumalala ang sakit ,
Dagdag pa ng kongresista, batid niyang napakabigat na ng dinadalang problema ng mga maysakit at ng kanilang pamilya kaya’t mas mabuting huwag nang isama sa kanilang iisipin ang pagkuha ng perang pambili ng gamot.
Kung tuluyang maisasabatas , makikipag-ugnayan ang Department of Health sa mga kaukulungan ahensya ng gobyerno at stakeholders at bubuo ng mekanismo sa upang mapadali ang akreditasyon ng health care medicine providers, mga pribadong kumpanya ng gamot at mga tindahan para matiyak ang paghahatid ng de-kalidad at accessible na mga gamot.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home