Thursday, January 25, 2024

hajji Kinumpirma ni Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez na posibleng maghain siya ng sariling petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa People's Initiative para isinusulong na Charter Change.


Ayon kay Alvarez, habang nangangalap ng pirma ang mga nangunguna sa People's Initiative ay nag-iipon siya ng mga ebidensya upang pagdating ng tamang panahon ay mayroon na siyang attachments.


Naghihintay lamang umano ng timing ang dating House Speaker dahil subject for verification pa ang signatures at hindi maaaring pangunahan ng paghahain ng petisyon. 


Naniniwala rin si Alvarez na kayang-kaya na makuha ang required percentage ng registered voters sa bawat distrito lalo't nagkakabigayan umano ng pera sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations at walang magawa ang mga tao dahil sa gutom at hirap ng buhay.


Buwelta pa ng kongresista, hindi dapat ito tawaging People's Initiative kundi "Tambaloslos Initiative" dahil pakana umano ito ni Speaker Romualdez pati na ang pamamahagi ng pera.


Umapela naman si Alvarez sa mga kapwa mambabatas na manindigan at huwag umanong matakot sa ginagawa ng liderato alang-alang sa kapakanan ng kinakatawang distrito.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home