hajji Tinutulan ni dating House Speaker at ngayo'y Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez ang planong pag-amiyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People's Initiative.
Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni Alvarez na dating tagasuporta ng pagbabago sa Saligang Batas at paglipat sa Federal Form of Government kung bakit nagbago na siya ng tono.
Punto ng kongresista, noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay malinaw ang babaguhin at may draft ng Konstitusyon kaya kahit sino ay maaaring silipin dahil wala umanong itinatago.
Di tulad ng isinusulong na Charter Change ngayon, sinsero at hindi aniya makasarili ang hakbang sa ilalim ng administrasyong Duterte lalo't may anti-political dynasty provision, pagbubukas ng bansa sa foreign investments at may consultative committee na binubuo ng mga eksperto sa pangunguna ni dating Chief Justice Reynato Puno.
Ang Cha-Cha sa kasalukuyang administrasyon ay self-serving at matatawag umanong "Politiko's Initiative".
Iginiit ng dating Speaker na hindi maintindihan ang direksyong nais tahakin ng gobyerno at hindi malinaw ang makabubuti at mararamdaman ng karaniwang mamamayan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home