isa Dapat na magsanib-pwersa ang Department of Health o DOH at mga lokal na pamahalaan para palakasin pa ang mga hakbang kaugnay sa epekto ng El Nino phenomenon lalo na pagdating sa mga sakit.
Ito ang sinabi ni BHW PL Rep. Angelica Natasha Co, kasabay ng banta ng "strong El Niño."
Ayon kay Co, chairperson ng House Committee on Welfare of Children --- batid naman na may mga "dry season illness" o mga sakit na maaaring sumulpot sa panahon ng tag-init, na maaaring tumindi dahil sa El Niño.
Kaya naman kailangan aniya na magtulungan ang DOH at local government units o LGUs para matiyak na nakalatag ang lahat, sakaling dumami ang mga kaso ng sakit.
Kabilang dito ang food poisoning, water contamination, flu o trangkaso, tigdas at bulutong, asthma, sore eyes, at heat exhaustion o heat stroke.
Payo naman ni Co, uubrang magsagawa ng serye ng libreng anti-flu vaccination, medical laboratory services at iba pang pagbabago sa mga lumang programa ang DOH at LGUs.
Sa unang pahayag ng DOH --- kanilang pinag-iingat ang publiko laban sa mga sakit na maaaring lumutang sa "peak" ng strong El Niño mula Pebrero hanggang Abril.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home