Monday, January 22, 2024

adiong NEURODIVERGENT PEOPLE’S RIGHTS ACT, INIHAIN NA SA KAMARA!


Inihain na ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong sa Kongreso ang House Bill No. 9787 o ang tinatawag na “Neurodivergent People’s Rights Act”.


Layunin ng batas na ito na tiyakin ang pantay na karapatan at oportunidad ng mga neurodivergent individuals sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay tulad ng edukasyon, trabaho, healthcare, at pakikiisa sa mga gawaing panlipunan.


Isang mahalagang bahagi ng batas ay ang pagpapatupad ng National Care and Support Plan for Neurodiversity, isang komprehensibong plano na magbibigay importansiya sa mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan tulad ng mental healthcare and education, vocational training, at social support.


Ang layunin ay hindi lamang ang pagtataguyod ng katarungan at pagkakapantay-pantay, kundi pati na rin ang pagtataguyod ng masusing pangangalaga at suporta para sa kanilang pangangailangan, na naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan at pagiging bahagi ng mas malawak na komunidad.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home