Thursday, January 25, 2024

rpp Mga senador hindi dapat matakot sa gusto ng taumbayan—Salceda



Tinuligsa ni Albay Rep. Joey Salceda ang ginawang pagbasura ng Senado sa People’s Initiative upang maamyendahan ang 1987 Constitution.


Sinabi ni Salceda na hindi dapat katakutan ng mga senador ang taumbayan kundi dapat pakinggan nila ang opinyon nito kaugnay ng pag-amyenda sa Konstitusyon.


“Bakit kayo takot sa tao? Eh ang gagaling naman ninyo. ‘Di ba 24 kayo? Nagkaisa kayo eh ‘di makukumbinsi niyo ‘yung tao magboto ng “no,” ani Salceda.


Sinabi ni Salceda na panahon na upang pakinggan ng mga senador ang boses ng taumbayan kaugnay ng pag-amyenda sa Konstitusyon.


“Hindi naman lagi na lang kayong nakikinig sa mga senador. Lagi na lang kayong nakikinig sa mga congressman. Bakit hindi natin pabayaan ang tao? Kaya nga nilagay ‘yan sa 1987 Constitution, ang people’s initiative. Para saan pa ‘yun?” punto ni Salceda.


“Once and for all, why won’t we listen to the people? Let them speak,” dagdag pa ni Salceda.


Lumagda ang 24 senador sa isang manifesto kung saan kinokondena ng mga ito ang People’s Initiative o ang pangangalap ng lagda kinakailangang lagda para makapagpatawag ang Commission on Elections ng isang plebisito para tanungin ang boses ng mga botante kung pabor ang mga ito na amyendahan ang Saligang Batas.


Nagpahayag din ng pagtataka si Salceda kung bakit hinaharang ng mga senador ang opinyon ng publiko sa halip na himukin ang mga ito na bumoto ng no sa panawagan na amyendahan ang Konstitusyon.


Ibinasura rin ni Salceda ang mga alegasyon ng panunuhol at iba pang iligal na gawain upang makakuha ng pirma.


“Susmaryosep! Hindi ganoong kaano ang mga Pilipino. Napakababa naman ng tingin nila sa tao. Hindi ‘yan basta-basta pipirma eh,” dagdag pa ni Salceda. (END)


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home