PAG-DEKLARA NG PRICE CONTROL SUBSIDY PROGRAM BILANG PRIORITY MEASURE, IMINUNGKAHI SA KAMARA
Umaapela si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na gawin nang "priority measure" ang panukala na lilikha ng price subsidy program na tutulong sa mga lokal na magsasaka at upang maabot ang 20 pesos sa kada kilo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Lee, kung nais ng gobyerno na maabot ang beinte pesos kada kilong bigas ay dapat nang ipasa ang House Bill 9020 o ang Cheaper Rice Act.
Sa pamamagitan nito ay papatungan aniya ng lima hanggang sampung piso ang presyo ng palay kada kilo na bibilhin ng pamahalaan sa local farmers upang kumita sila at maengganyong taasan ang produksyon.
Ipinaliwanag ni Lee na tutugunan ng panukala ang pangamba ng mga magsasaka na mapipilitan silang ibenta ang lupa dahil sa kawalan ng kita.
Hindi rin umano dapat umasa sa pag-aangkat ang gobyerno upang magkaroon ng mas murang bigas at sa halip ay tumutok sa pagpapabuti ng rice self-sufficiency.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home