Pinaiimbestigahan na rin ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos ang nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas noong nakaraang linggo.
Batay sa House Resolution Number 1534, iginiit ni Marcos na kailangan nang siyasatin at i-review ng Kongreso ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Paliwanag nito, layon ng imbestigasyon na tiyakin ang napapanahong expansion ng transmission system na nakahanay sa pangangailangan ng publiko at para sa epektibong operasyon.
Kabilang aniya sa ire-review ang posibilidad na ihiwalay at ilipat na ang systems operation function mula sa NGCP patungo sa ibang entity na kayang gampanan ang naturang papel.
Iginiit din ni Marcos na ang pag-streamline ay magbibigay-daan para tutukan ng NGCP ang konstruksyon at operasyon ng transmission grid.
Bukod dito, kailangan na umanong silipin ang pagpapataw ng special tax sa NGCP bilang power concessionaire sa halip na singilin ng national at local taxes.
Dagdag pa ng presidential son, dapat matukoy sa imbestigasyon ang pag-aatas sa Energy Regulatory Commission na magpataw ng administrative penalties laban sa transmission concessionaire ng dalawang milyong piso kada araw dahil sa paglabag o hindi pagtalima sa regulatory rules.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home