Monday, January 29, 2024

PAGLIKHA NG KOMITE SA CRIME PREVENTION SA MGA PAARALAN, ISINULONG; IBA PANG MGA PANUKALA, UMUSAD 


Nilikha ng Komite ng Higher and Technical Education sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Baguio City Rep. Mark Go on Monday ang isang Technical Working Group (TWG) na naglalayong pag-isahin ang mga House Bills 4710 at 6639, na parehong nagsusulong ng paglikha ng madatoryong Crime Prevention Committee sa lahat ng higher education institutions (HEIs), at mga technical-vocational institutions, na may layuning pangalagaan ang komunidad ng akademya mula sa mga panloob at panlabas na banta. 


Ang mga HBs 4710 at 6639 ay inihain nina Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, ayon sa pagkakasunod. 


Matapos nito ay inaprubahan ng lupon, alinsunod sa istilo at mga amyenda ang mga HBs 7570, 7571, 9407 at 9427, na lahat ay naglalayong itatag ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training and assessment centers sa Bohol, Zamboanga Sibugay at Bataan. 


Inaprubahan rin sa Komite ang mga substitute bills at committee reports ng: HB 8417, na naglalayong patatagin ang Pangasinan State University; HB 8215 na gagawing state university ang Davao del Norte State College; HB 9023, na gagawing state university ang Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology sa Davao Occidental; HB 4237, na naglalayong magtatag ng regular campus sa Don Honorio Ventura State University; at HB 9121, na magpapatatag at papalitan ang pangalan ng Don Honorio Ventura State University bilang Pampanga State University, na magpapalawig sa pag-aalok ng mga kurikula, gayundin ang komposisyon at kapangyarihan ng kanilang governing board.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home